Tapat Na Pag-ibig

The Mabuhay Singers

TAPAT NA PAGIBIG

Ako’y sadyang nananalig
Sa matapat na pag-ibig
Kapag ito ay nasambit
Ligaya ko’y hanggang langit

Pag-ibig ko’y isa lamang
Habang ako’y nabubuhay
Ang nais ko’y sa sumpaan
Ay madala hanggang hukay

Pag ako’y umibig
Magpahanggang langit
Kung sya ang magtaksil
Ako’y handing magtiis

Ang matapat sa suyuan
Sinasambang walang hanggan
Ang pagsintang salawahan
Parang bulang napaparang

Lyrics Submitted by Zyra B. Maglabe

Lyrics provided by https://damnlyrics.com/