Kasama Kang Tumanda

Stagecrew

I
Ang awiting ito ay alay sayo
sintunado man tong
mga pangako sayo
ang gusto ko lamang
kasama kang tumanda

II
Patatawanin kita pag hindi ka Masaya
bubuhatin kita pag may rayuma kana
oh kay sarap isiping
kasama kang tumanda

III
sasamahan kahit kailanman
mahigit kumulang di mabilang
tatlumpong araw sa isang buwan
umabot man tayo sa three thousand one

IV
Labs na labs pa rin kita
kahit bungi-bungi kana
para sakin ikaw ang
pinakapoging papa
Oh kay sarap isiping
kasama kang tumanda
at nangangako ako
pag sinagot mong oo
iaalay sayo buong puso ko
Sumang-ayon ka lamang
kasama kang tumanda
---
Lyrics submitted by princess.

Lyrics provided by https://damnlyrics.com/