May Kaibigan Ka

Terry Javier

Kahit ikaw ay parang kay saya
Aking nadarama, mayroong kulang kaya
Sa kilos at tanaw ng iyong mata
May tinatago ka, kay bigat mong dala

Nais kitang kausapin
Makakatulong kaya kung sabihing

May kaibigan ka na higit pa sa akin
May kaibigan sa Kanya'y manalangin
Pangako Niya'y 'di ka iiwan
Hindi pababayaan

Natapus ang boung maghapon
Ako'y 'di nagkaroon ng pagkakataon
Kaya sa bahay ay nabigla pa
Di ko nga akala, sa aki'y tatawag ka

Nais akong kausapin
Sana'y paniwalaan kung sabihing

May kaibigan ka, sa Kanya ay lumapit
May kaibigan ka, sa iyo'y umiibig
Pangako Niya'y 'di ka iiwan
Hindi pababayaan

May kaibigan ka na higit pa sa akin
May kaibigan sa Kanya'y manalangin
Pangako Niya'y 'di ka iiwan
Hindi pababayaan

May kaibigan ka, sa Kanya ay lumapit
May kaibigan ka, sa iyo'y umiibig
Pangako Niya'y 'di ka iiwan
Ikaw ay tutulungan
Hindi pababayaan
Ikaw ay tutulungan
May kaibigan ka
May kaibigan ka, sa Kanya ay lumapit
May kaibigan ka, sa iyo'y umiibig
Pangako Niya'y 'di ka iiwan
Hindi pababayaan
May kaibigan ka

Lyrics provided by https://damnlyrics.com/