O Bayan Ko

Himig Ng Lahi

I.
Sisikat din ang araw sa silangan mo
Babangon kang muli,pangako Ko sa'yo
O bayan ko
Aking mithi ay ang pag-ahon mo
O aking lahi, ito ang panalangin ko

Lilipas din dilim at kalungkutan mo
May bago ng umagang alay ko sa'yo
O bayan ko
Aking likas, talino, at puso
Aking buhay ay alay ko sa'yo

Chorus:
O bayan ko
O bayan ko
O bayan ko
O bayan ko

Ginto ang lupa mo
Luntian ang paligid mo
Bughaw ang dagat mong taglay
Ay kayamanan ko

Lahing kayumanggi
Pantas ang iyong lipi
Kulay at lahi mo aking iaangat lagi
O bayan ko

II.
'Di ko hahayaan alipinin pa nila
Dangal mo ang taglay mong kulay at dugo
O bayan ko
Pilipino, ito ang ngalan mo
Pilipino, ibigin mo sana

Chorus:
O bayan ko
O bayan ko
O bayan ko
O bayan ko

Ginto ang lupa mo
Luntian ang paligid mo
Bughaw ang dagat mong taglay
Ay kayamanan ko

Lahing kayumanggi
Pantas ang iyong lipi
Kulay at lahi mo aking iaangat lagi
O bayan ko

O bayan ko...

Lyrics Submitted by Charina A. Tandoy

Lyrics provided by https://damnlyrics.com/