Dinggin Mo Oh Dios

Reymond Sajor

Mga salang ’di mabilang Ikaw ang tumubos
Biyaya at pagliligtas
iginawad Mong lubos
Dahil sa’Yong paglingap
at pag-ibig na taos
Pagpapasalamat ng puso’y ‘di matatapos

Nananabik ang puso na Ika’y makapisan
Kadakilaan ng Iyong
pangako sana’y makamtan
Pagdating ng sandaling
aking inaasam-asam
Galak ng aking puso ay ‘di mapaparam

Dinggin Mo Oh Dios ang alipin Mo
Umaawit ng papuri inaalay sa’Yo
Umaasa, sumasamo na ipagsasama Mo
Sa ’Yong kahariang langit
na s’yang pangarap ko

Ang Iyong kataasang sa akin ay umaabot
Sa tuwina ay inaalala
na ako’y mula sa alabok
Sa pamamagitan ng mga salita Mong subok
Daing ng aking kaluluwa’y
nabigyan ng sagot

Dinggin Mo Oh Dios ang alipin Mo
Umaawit ng papuri inaalay sa’Yo
Umaasa, sumasamo na ipagsasama Mo
Sa ’Yong kahariang langit
na s’yang pangarap ko

Sapagkat Ika’y magandang
loob at mapagpala
Banayad sa galit at hatol
Mo’y ‘di matingkala
Gumagalang sa mababa, mapagbiyaya
Karununga’y ‘di malirip
sa Iyong mga gawa

Dinggin Mo Oh Dios ang alipin Mo
Umaawit ng papuri inaalay sa’Yo
Umaasa, sumasamo na ipagsasama Mo
Sa ’Yong kahariang langit
na s’yang pangarap ko

Dinggin Mo Oh Dios ang alipin Mo
Umaawit ng papuri inaalay sa’Yo
Umaasa, sumasamo na ipagsasama Mo
Sa ’Yong kahariang langit
na s’yang pangarap ko

Sa langit Mong pangarap ko

Lyrics Submitted by joni

Lyrics provided by https://damnlyrics.com/