Bayan Ko

FLORANTE AGUILAR

ang bayan kong pilipinas
lupain ng ginto't bulaklak
pag-ibig ko sa kanyang palad nag-alay ng ganda't dilag
at sa kanyang yumi at ganda
dayuhan ay nahalina
bayan ko binihag ka nasadlak sa dusa

ibon mang may layang lumipad
kulungin mo at umiiyak
bayan pa kayang sakdal dilag
ang di magnasang makaalpas

pilipinas kong minumutya
pugad ng luha ko't dalita
aking adhika
makita kang sakdal laya
---
Lyrics submitted by alan.

Lyrics provided by https://damnlyrics.com/