Macho Dancer

Milyo Naryo

Ako'y probinsyano
sa syudad dumayo
Naghanap ng trabaho
umasang aasenso
walang tumanggap
pagkat hindi titulado
Nagmacho dancer na lang ako

Sa bawat gabi
nagsasayaw ako
Sa isang maliwag at
maliit na intablado
Nakakahiya pagkat
semi-naked ako
ang nakatago ko'y nabisto

May biyuda at matanda pa
Mistisa ngunit nangulubot na
May bulong maki~-date kuno
magbayad kahit magkano
Nag check~-in kaming dal'wa
Ang biyuda champion sa romansa
Natanggal ang pustiso n'ya
Sus maryosep parang Drakula

Napakapait kung hindi titulado
Napakahirap maghanap ng trabaho
Merong tatanggap ngunit
mababa ang sweldo
Ito'y labag sa kalooban mo

Kaya kayong lahat na mga Estudyante
Atupagin ang pag-aaral palagi
'Wag kayong patukso sa mga barkada
Sa bandang huli, magsisi ka

repeat Chorus

Kay pait kung hindi titulado
Kayhirap maghanap ng trabaho
Merong tatanggap ngunit
mababa ang sweldo
Ito'y labag sa kalooban mo

Kaya kayong mga Estudyante
Atupagin ang pag-aaral lagi
'Wag kayong patukso sa mga barkada
Sa bandang huli, magsisi ka

Lyrics Submitted by Chris Miranda

Lyrics provided by https://damnlyrics.com/