Himig Ng Inang Kalikasan

Rading C. Jumaquio

Minsan isang araw ako'y nanaginip
Ang inang kalikasa’y humihimig ng awit
Mga huni ng ibon. Tunog nitong tubig
Ang sayaw ng mga dahon sa banayad na hangin
Ang lamig nitong hangin kay sarap sarap damhin
Ito ang nadama, nakita't narinig

Kay ganda, kay ganda ng paligid
Mayaman, mayaman ang daigdig
Sagana ang lupa. kay linaw ng tubig
Kay sarap mabuhay sa ganitong paligid
Kay ganda, kay ganda ng kulay
Mayaman, mayaman sa buhay
Ito ang paraisong likha ng maykapal
Himig ng kalikasan mahalin mo'ng tunay

Ngunit ako ay nagising sa amoy ng paligid
Mainit na dampi ng malamig na hangin
Basura'y nagkalat ang usok ay lumalaganap
Ano'ng nangyari sa sayaw ng mga dahon?
Di ko na marinig masayang huni ng ibon
Malinaw na batis, nasan ka na ngayon?
Tulungan, tulungan ang paligid
Umiyak, umiyak ang langit
Inabuso ang lupa, kay itim na ng tubig
Nananaghoy na itong ating daigdig
Nasan na nasan na'ng magandang kulay?
Tila ba nawawala na ng buhay
Dating paraisong abot na ng kamay
Sa panaginip na lang ba masisilayan?
Di ko na kailangan ang isang panaginip
Ang kailangan ko ay ang tulong mo
Upang ibalik ang dating paraiso
Para sa'yo, para sa buong mundo

Kay ganda, kay ganda ng kulay
Mayaman, mayaman sa buhay
Ito ang paraisong likha ng may kapal
Himig ng kalikasan, mahalin mo'ng tunay
Ito ang himig ng inang kalikasan

Lyrics Submitted by Hypo :>

Lyrics provided by https://damnlyrics.com/