Maalaala Mo kaya

Ryan Cayabyab

Wag mong sabihing ika'y hamak
Kahit na isang mahirap
'Pagkat ang tangi kong pangarap
Ganyan ang hinahanap (hinahanap)

Aanhin ko ang kayamanan
Kung ang puso'y salawahan
Nais ko'y pag-ibig na tunay
At walang kamatayan

Maalaala mo kaya
Ang sumpa mo sa akin
Na ang pag-ibig mo ay
Sadyang di magmamaliw

Kung nais mong matanto
Buksan ang aking puso
At tanging larawan mo
Ang doo'y nakatago (maalaala mo kaya)

'Di ka kaya magbago
Sa iyong pagmamahal
Hinding-hindi irog ko
Hanggang sa libingan

O kay sarap mabuhay
Lalo na't may lambingan
Ligaya sa puso ko
Ay di na mapaparam

O kay sarap mabuhay
Lalo na't may lambingan
Ligaya sa puso ko
Ay di na mapaparam

Maalaala mo kaya

Lyrics Submitted by koutaro bokuto

Lyrics provided by https://damnlyrics.com/