Tanging Sayo

Melan Stamatelaky

Aanhin Ko Ang kayamanan
Kung Ikaw nama'y aking malilimutan
Aanhin Ko Ang kalakasan
Kung ako nama'y Di mo sasamahan

Aanhin Ko Ang kapangyarihan
Kung Ikaw nama'y kaaway Ko
At Di kaibigan
Aanhin Ko Ang karangalan
Papuri't pagsamba'y
Para sayo lamang

Ikaw Ang aking awit
Ang aking Pag ibig
Hinding hindi Mararanasan
Ang ganitong kaligayahan
Sa anumang bagay
Tanging sayo lamang

Aanhin Ko Ang kagalingan
Kung hundi naman Ikaw Ang kagalakan
Aanhin Ko Ang karunungan
Kung ako nama'y Di mo pangungunahan
Aanhin Ko Ang kalayaan
Kung Ikaw nama'y iiwan Ko
At sasaktan Lang
Aanhin Ko Ang katanyagan
Ang buhay Kong ito'y
Para sayo lamang

Ikaw Ang aking awit
Ang aking Pag ibig
Hinding hindi
Mararanasan Ang ganitong kaligayahan
Sa anumang bagay Tanging sayo lamang
O Diyos

Hesus hinding hindi mararanasan
Ang ganitong kaligayahan
Sa anumang bagay
Tanging sayo lamang
O Diyos

Lyrics Submitted by Ana Maria Syra Tool

Lyrics provided by https://damnlyrics.com/