Inang mahal

Basil Valdez

STANZA I
Inang mahal, tanglaw kayo ng aming buhay,
Noon magpa-hanggang ngayon,
Mga anak niyong makasalanan,
Bigyan niyo po ng pagkakataon

CHORUS
Naririto, nagtitipon-tipon,
Para sa inyo upang ihayag ang damdaming ito.

STANZA II
Alam nang saksi kayo sa gulo ngayon
Ng mahal niyong mundo,
Maamong mata, mga kamay na umaanyaya
Sa mga naghihikahos at kapwa-dalita

CHORUS
Naririto, nagtitipon-tipon,
Para sa inyo upang ihayag ang damdaming ito.

STANZA III
Ang pansin ninyo'y nais ko pang makayanan,
Pagsubok at hatol na inyong ihahayag ngayon, ngayon...
Ang pag-ibig na hinding-hindi mapantayan,
Awa niyo'y alam naming sa amin lang laan ngayon, ngayon...

BRIDGE
Maamong mata, mga kamay na umaanyaya
Sa mga naghihikahos at kapwa-dalita,
Naririto, nagtitipon-tipon,
Para sa inyo...

CONCLUSION
Inang mahal, tanglaw kayo ng aming buhay,
Noon magpa-hanggang ngayon...

Lyrics Submitted by Brian Espiritu

Lyrics provided by https://damnlyrics.com/