damnlyrics.com

Alab Ng Puso

[Intro]

Hawak ko ang kinabukasan

At wala akong dapat katakutan

Kahit masaktan man at masugatan

Alay ko buhay kopara sa katarungan

Yo! Abra[Verse 1]

Isinilang sa mundo punong puno ng pagdurusa

Unang pagtanglaw ng ilaw may tumutulo na dugo sa

'King mga kamay panay aray lang upang ibigay

Ang buhay ko na may kasabay pa ng luha ni inay

Dun ko nalaman na ibig sabihin

Kung pa'no mabuhay para sa iba

Tulungan sila na walang gustong kapalit

Lalo na kung may naaapi na

At sa kabila ng mga pagsubok ay napiling pahalagahan

Ang aking mga kababayan

Imbis na isipin ang sariling kapakanan

Talagang palaban, sa anuman na hamon ay ayaw tumanggi

Taas noo, banat buto, kapag dugong kayumanggi

Mula pa noon hanggang ngayon

Taglay ang purong kagitingan

Di mapipigilan ang alab ng puso at isipan

Kapangyarihang batay sa kabutihang loob

Kahit tamaan ng kidlat kayang takutin ang kulog

Kwento ng buhay ko ay mapusok,

Iba't ibang tema na ang tinumpok

Aakyatin ang bundok hanggang dun sa tuktok

Bago 'to malagyan ng tuldok kasi...[Chorus]

Hawak ko ang kinabukasan

At wala akong dapat katakutan

Kahit masaktan man at masugatan

Alay ko buhay ko para sa katarungan

Ramdam ko ang aking pagkatao sa bawat tindig

May pwersa na nalilingid sa loob ng aking dibdib

Na nagsisilbing liwanag sa dilim ng daigdig

Para sa bawat dapa handang tumindig[Hook]

Minsan... napapaisip ako

Bakit andaming naghihingalo?

Masamang panaginip ba 'to?[Verse 2]

Imbis na luwalhati laganap ang dalamhati

Umaaraw, umuulan ngunit walang bahaghari

Madalas ay hindi patas ang mga alituntunin

Nagbabakasakaling tukuyin ang aking tungkulin

Na ipaglaban ang karangalan ng mga taong inalipusta

At alagaan ang kayamanan na hindi lamang galing sa bulsa

Dapat bawasan ang katamaran dahil pagkakabigo ang multa

Magkapangalan sa kasaysayan tingalain kahit san pumunta

Talagang subok na, mabilis tumugon

Kapag nakarinig ng saklolo

Kahit na walang utang na loob tila handa pa ding mag-abono

Kasi madaling mabuhay para sasarili lamang

Pero para bang baliwala pag wala nang ibang makikinabang

Sa kapangyarihang dulot ng kabutihang loob

Kahit tamaan ng kidlat kayang takutin ang kulog

Kwento ng buhay ko ay mapusok,

Iba't ibang tema na ang tinumbok

Aakyatin ang bundok hanggang dun sa tuktok

Bago 'to malagyan ng tuldok kasi...[Chorus]

Hawak ko ang kinabukasan

At wala akong dapat katakutan

Kahit masaktan man at masugatan

Alay ko buhay ko para sa katarungan

Ramdam ko ang aking pagkatao sa bawat tindig

May pwersa na nalilingid sa loob ng aking dibdib

Na nagsisilbing liwanag sa dilim ng daigdig

Para sa bawat dapa handang tumindig[Outro]

Kahit sino, pwedeng maging bayani

Kailangan lang ng lakas ng loob, tiwala sa sarili

Handang magsilbi sa kapwa nang walang inaasahang kapalit

At para sa'kin... 'yan ang alab ng puso

Song Discussions is protected by U.S. Patent 9401941. Other patents pending.

Enjoy the lyrics !!!