damnlyrics.com

Anak

I

ohh.... huh....ohh..

'Nang isilang ka sa mundong ito

Laking tuwa ng magulang mo

At ang kamay nila ang iyong ilaw

At ang nanay at tatay mo

'Di malaman ang gagawin

Minamasdan pati pagtulog mo

II

Sa gabi napupuyat ang iyong nanay

Sa pagtimpla ng gatas mo

At sa umaga nama'y kalong ka ng iyong amang

Tuwang - tuwa sa'yo

Ngayon nga ay malaki ka na

Nais mo'y maging malaya

'Di man sila payag, walang magagawa

Ikaw nga ay biglang nagbago, naging matigas ang iyong ulo

At ang payo nila'y, sinuway mo

III

'Di mo man lang inisip, na ang kanilang ginagawa'y

para sa'yo

"Pagkat ang nais mo'y masunod ang layaw mo,

'di mo sila pinapansin

Nagdaan pa ang mga araw,at ang landas mo'y naligaw

Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo

At ang una mong nilapitan, ang iyong inang lumuluha

At nag tanong ANAK: BA'T KA NAGKAGANYAN

At ang iyong mga mata'y biglang lumuha ng 'di mo napapansin

* Pagsisisi ang sa isip mo't

Nalaman mong, ika'y nagkamali

(ulitin ng 2 beses)

Ika'y nagkamali (3x)

---

Lyrics submitted by daisy.

Enjoy the lyrics !!!