damnlyrics.com

Anak (Reprise)

Noong isilang ka sa mundong ito

Laking tuwa ng magulang mo

At ang kamay nila ang iyong ilaw

At ang nanay at tatay mo'y

Di malaman ang gagawin

Minamasdan pati pagtulog mo

At sa gabi'y napupuyat ang iyong nanay

Sa pagtimpla ng gatas mo

At sa umaga nama'y kalong ka

Ng iyong amang tuwang-tuwa sa iyoNgayon nga ay malaki ka na

Ang nais mo'y maging malaya

Di man sila payag

Walang magagawa

Ikaw nga ay biglang nagbago

Naging matigas ang iyong uloAt ang payo nila'y sinuway mo

Di mo man lang inisip na

Ang kanilang ginagawa'y para sa iyo

Pagkat ang nais mo'y

Masunod ang layaw mo

Di mo sila pinapansinNagdaan pa ang mga araw

At ang landas mo'y naligaw

Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo

At ang una mong nilapitan

Ang iyong inang lumuluha

At ang tanong,"anak, ba't ka nagkaganyan"

At ang iyong mga mata'y biglang lumuha ng di mo napapansin

Pagsisisi at sa isip mo'y

Nalaman mong ika'y nagkamali

Pagsisisi at sa isip mo'y

Nalaman mong ika'y nagkamali

Kahapon ay nilimot mo

Pati ang iyong masamang bisyo

Laki'ng pasalamat ng magulang moIkaw nga ay tuloyang nag bago

Natagpuan ang sarili

Galaw ng isip mo matuwid na

Patuloy ang takbo ng araw

At ikaw ay natutong umibig

Hindi nag laon at ipinasya mo'ng

Lumagay kana sa tahimikPagka binata mo'y natapos na

Malapit kanang magging ama

Kaya lalong nag sikap ng husto

Dumating ang iyong hinihintay

Sinilang ang panganay mo

Parang langit ang iyong nadamaNgayon anak alam mo na

Kung ano'ng pakiramdam ng magging isang ama

Ganyan din ang nadarama

Ng iyong ama't ina ng ikaw ay makita

Ngayon iyong naramdaman

Ngayon iyong naranasan

Ngayon iyong maiintindihan

Tama pala ang iyong ina

Tama pala ang iyong ama

Ngayon hindi kana magtatakaHindi pala biro'ng maging magulang o ngayon iyong dinaranas

Hindi pala biro'ng maging magulang o ngayon iyong dinaranas

Hindi pala biro'ng maging magulang o ngayon aking dinaranas

Songwriters

FREDDY AGUILARPublished by

Lyrics © Universal Music Publishing Group

Enjoy the lyrics !!!