damnlyrics.com

Awit Sa Marawi

Hindi bala, hindi bomba sa Marawi ang sagot

Ang iisang dugo ay galit ang bumabalot

Mga walang kamuwang-muwang kayakap ang luha at takot

Mga maling adhikain ay 'di tamang sagotMarawi sabay-sabay nating ibabangon

Buong pagmamahal tayo ay aahon

Marawi darating din ang isang dapit-hapon

Sisikat ang araw sa isang bagong ngayonKristyano at Muslim hindi ba't iisa?

Nilalang tayo ni Allah na iisang Ama

Kung bubuksan ang puso ng bawat isa

Sa mundo ang maghahari ay ngiti't saya

Marawi sabay-sabay nating ibabangon

Buong pagmamahal tayo ay aahon

Marawi darating din ang isang dapit-hapon

Sisikat ang araw sa isang bagong ngayonHindi kulay ang kailangan upang magkaisa

Pula, puti, asul, dilaw tayo ay iisa

Ang pag-ibig, isapuso 'yan ang mahalaga

Ako, ikaw, sila tayo'y magsama-samaMarawi sabay-sabay nating ibabangon

Buong pagmamahal tayo ay aahon

Marawi darating din ang isang dapit-hapon

Sisikat ang araw sa isang bagong ngayon

Marawi sabay-sabay nating ibabangon

Buong pagmamahal tayo ay aahon

Marawi darating din ang isang dapit-hapon

Sisikat ang araw sa isang bagong ngayonMarawi...

Song Discussions is protected by U.S. Patent 9401941. Other patents pending.

Enjoy the lyrics !!!