(Ayoko sa dilim)
Chorus:
Nagdidilim ang paningin, ang paningin umiitim (3x)
Ayoko na dito, ayoko sa dilim!!!
I:
Walang kuryente mula sais-bente
hanggang alas dose kasi! kasi!
Atras abante ang bansa natin, mabagal ang abante
Ang atras ay matulin!
Pa'nong uunlad kung tatamad tamad
Eh 'di uminom na lang ng bilog o lapad!
Tutal walang ilaw at tsaka tubig,
Tanging gumagalaw ay ang mga bibig!
Pulitika, salita, salita, salita!
Kulang sa kilos, puro dada!
Lahat ng makausap ko iisa ang sinasabi,
Gumawa ka ng kanta tungkol sa brownout palagi,
Mula sa Marikina hanggang sa Paranaque
Sa loob ng Caloocan, Mandaluyong at Aranque,
IIsa ang sinasabi sa brownout palagi!
Pu@#$% ina ang tagal nito pare!
(Repeat Chorus)
Dahil sa brownout, (nasunog ang bahay)
Gustong mag brownout (ng akyat bahay)
Kapag may brownout (maraming manyakis)
Dahil sa brownout (maraming buntis)
Kapag may brownout (nakatunganga)
Dahil sa brownout (nalulong sa droga)
Dahil sa brownout (patay ang makinarya)
At dahil din sa brownout, puno ang punerarya!!!
(Repeat I)
---
Lyrics submitted by RobTaj.