damnlyrics.com

Ayos Lang

I

Nais kong matulog

Ngunit di makatulog

Sa pag-iisip

ang utak ko'y nabubugbog

Pahamak na pag-ibig to

Ako'y gulong-gulo

Tumatakbo ang oras

ngunit gising pa rin ako

II

Nais kong mgsoundtrip

Ngunit brown-out nga pala

Bwisit na ilaw to

Dumagdag pa sa problema

Kung hindi lang dahil sa kanya

Ngayon ay masaya

Minsan lamang akong ma-in love

Wala pang pag-asa...

Chorus:

Ayos lang kahit pa

nasasaktan ang puso ko

Kung sino pang minamahal

sya pa ang ayaw sayo

Totoong problema,

ngingiti na lang ako

Kung sino pang minamahal

siya pa ang ayaw sayo...

III

Nais kong mag-beer house

ngunit kulang ang pera

Kaya't nagkakape na lang,

dagdag pa sa kaba

Tutal wala namang dapat akong ikatakot

Dahil darating din ang araw

siya'y aking malilimot

Hindi man siya nakuha

sa iba ay tyatyamba

Basta't ako'y bahala na

malimot lang siya...

Nais kong matulog

ngunit di maka-tulog

Sa pag-iisip

ang utak ko'y nabubugbog

Pahamak na pag-ibig to..

ako'y gulong-gulo

Tumatakbo ang oras

ngunit gising parin ako...

Chorus:

Ayos lang kahit pa

Nasasaktan ang puso ko

Kung sino pang minamahal

Sya pa ang ayaw sayo

Totoong problema,

Nginiti na lang ako

Kung sino pang minamahal

Siya pa ang ayaw sayo..

---

Lyrics submitted by marsh mallow.

Enjoy the lyrics !!!