damnlyrics.com

Balita

Lapit mga kaibigan at makinig kayo

Ako'y may dala-dalang balita galing sa bayan ko

Nais kong ipamahagi ang mga kwento

At mga pangyayaring nagaganap sa lupang pinangakoGloc 9:

Ako ay Pilipino sa isip at sa gawa

Ngunit bakit mga pinuno puro lamang salita

Isang gobyerno na kayang sikmurain at magtawanan

May pamilyang kumakain ng kulang sa dalawangBeses sa isang araw

Minsan wala ngang panlugaw

Bakit ganito kababaw

Isang pagkaing nilangawAng dadamputin at kakainin ng batang gutom

Alam ba ng nga husgado at lahat ng hukom

Na merong mas masahol pa sa hatol ng kamatayan

Yan ay ika'y maging mahirap sa sarili mong bayanMga bata na ang dapat na ginagawa'y maglaro

Bagkus ay agos ng pawis at magbanat ng buto

Upang kumita ng ilang pirasong pisong madungis

Kalyo sa kamay at paa na manhid sa matulisHindi manika ang hawak ng kanyang mumunting braso

Bagkus ay isang taong gulang na kapatid at may basoSa harapan na nagbabakasakaling lagyan

Baryang pambili ng tinapay na panglaman sa tiyan

Mga pinunong bago mamatay at magkasakit

Sa sarap ng buhay sakin kayo ay makinigUrbandub:

(bisayan version)Gloc 9:

Mga bakal na dumudura nangapuyat ng tingga

Tangan-tangan at balot ng kasuotang pandigma

Bakit di mapagtugma ang mayaman at dukha

Sa pananaw ang kapalit ay hapis at pagluluksaPare-parehong sundalo, Muslim man o Kristiyano

Ilan man ang masawi di mo alam sinong panalo

Walang panalo dahil sa huli tayo ang talo

Pinoy ang nasa loob ng ataol na sinaradoYan ba talaga ang sumpa dito sa lupang pinangako

Respeto't pagmamahalan ay pilit na tingatago

Lawing hindi makadapo may pakpak na limitado

At nakakulong sa seldag may walang susing kandadoKailan kaya matatapos ang pag-agos ng dugo

At ang kapayapaa'y mahawakan ng buong-buo

Yan ba ang kwento o tanong na pilit na humahawi

Sa bawat taong bahagi ng watawat na hinabi

Enjoy the lyrics !!!