damnlyrics.com

Bantay Kalikasan

Bantay Kalikasan

Henry Samaniego

Tahasang ginahasa ang ating kabundukan

Malungkot na katotohanan mahigpit nating bantayan

Gumuguhong kabundukan maraming namamatay

Silang nakikinabang atin namang kapahamakan oh oh

Ang illegal na pagkakahoy mga troso at mina

Bundok dati’y lunti ‘ay ngayon napanot na

Mga ibon walang tahanan,maawa naman kayo

Wag isawalang bahala isigaw natin tigilan na

Rap

Sobra-sobra pagmimina ,ilog nilason n’yo

Isda sa ating dagat unti-unting nawawala

Samar Sibuyan, Cagayan,Agusan

Marami pang mga lugar ginagahasa n’yo ,

Inang Kalikasan ating bantayan

Tulungan n’yo akong puksain silang lahat

Kami’y mga biktima ng mga gawain n’yo

Palitan kayong mga abusado masasamang hangarin n’yo

(mga gahaman oooh mga gahaman …)

Maraming umiiyak kami’y dinamay n’yo

Yung totoong salarin kaalyado pa ninyo

Titingin na lang ba tayo tayo’y kumilos na

Wag nating hayaan silang mga mapagsamantala ….

Ako’y nakikiusap sa inyo-tigilan na !

Enjoy the lyrics !!!