damnlyrics.com

Barcelona

Kalaban man ang lahat, iwan ka man ng samahan

Lumayo na ang mundo, ito'y walang kapares

Walang kapantay sa mundo nating walang sukatan

Walang humpay na ligaya

Sa inakala nating walang tama sa mundong sinungaling

Bumuo tayo ng samahang totoo't nararapatIkaw at ako, kasama silang walang panghuhusga

Ikaw at ako sana nga ang itinadhanaAraw man o buwan, o tala nais mamasdan

Lahat ng ito'y ihahayag kung 'di mag-abot ako'y nariyan

Dapat pa bang maramdaman?

Kung 'di makakatulong 'wag na lang

Salubungin ang bagong yugto ng walang alinlanganIkaw at ako, kasama silang walang panghuhusga

Ikaw at ako, samahang walang maling akala

Ikaw at ako, ikaw at ako, sana nga ang inilathalaNaging madamot ang kahapon

Kaya bumabawi ang ngayon

May lumbay ang noon

Ngunit may kulay ang ngayon

Walang takot na ibinigay

Sa maaaring lumbay

Ang nararamdamang tunay

Sa tanging kaugnay.Ikaw at ako, kasama silang walang panghuhusga

Ikaw at ako, samahang walang maling akala

Ikaw at ako sana nga ang itinadhana

Ikaw at ako, Ikaw at ako sana nga ang inilathalaIkaw at ako, kasama silang walang panghuhusga

Ikaw at ako, samahang walang maling akala

Ikaw at ako sana nga ang itinadhana

Ikaw at ako, Ikaw at ako sana nga ang inilathala...

Enjoy the lyrics !!!