Konti na lang
Bababa na ako sa sasakyan
Iniwan ko na ang lungkot at tampo
'Di pwedeng makita sa 'yoIka'y tanaw ko na malapit na
Mabigat man sa damdamin
Ay aking pipilitin
Na hindi pumikit at sambitin
Ang mga salitang sa 'yo'y magmumulaKahit anong mangyari
Iisipin ko na lang na tayo'y
Sa ilalim na parehong bituin
Kahit nag-iisa, basta't masaya ka
Ako'y masaya naKonti na lang malapit na
Nakakatakot man isipin
Na bukas wala ka na
Sa pagpikit pakinggan
Ang mga salitang sa 'yo'y nagmumulaKahit anong mangyari
Iisipin ko na lang na tayo'y
Sa ilalim na parehong bituin
Kahit nag-iisa, basta't masaya ka
Ako'y masaya naKonti na lang malaya na ako
Anong silbi ng may pakpak
Kung bihag mo ako
Alam ko na kahit kahapon pa
Na iiwan mo ako pero para sa 'yoKahit walang nangyari
Iisipin ko na lang na tayo'y
Sa ilalim ng parehong bituin
Kahit nag-iisa, basta't masaya ka
Ako'y masaya naKahit nag-iisa, basta't masaya ka...
Song Discussions is protected by U.S. Patent 9401941. Other patents pending.