damnlyrics.com

Bawat Daan

Sa pagkumpas ng 'yong kamay

Ang aking landas, ginagabay

Nag-iisang tiyak sa isang libong duda

Silong sa iyak, at pagluluksaKung puso ko ay imamapa

Ikaw ang dulo, gitna't simula

Nahanap din kita (kay tagal kong naghintay)

Nahanap kitaAt maligaw man at mawala

Umikot man sa kawalan

Sa bawat kailan, sino't saan

Ikaw lamang ang kasagutanBawat kanan at kaliwa

Kanluran man o hilaga

Ang bawat daan ko ay patungo

Pabalik sa 'yoKay tagal nang lumulutang

Walang pupuntahan walang dahilan

Parang ulap na walang dalang ulan

Kamang walang kumot at unanBihag ako ng pagtataka

May saysay ba ang paglalakbay

Ngunit nahanap din kita

Nahanap kitaAt maligaw man at mawala

Umikot man sa kawalan

Sa bawat kailan, sino't saan

Ikaw lamang ang kasagutanBawat kanan at kaliwa

Kanluran man o hilaga

Ang bawat daan ko ay patungo

Pabalik sa 'yoKay tagal kong naghintay

Kung ang puso ko ay imamapa

Ikaw ang dulo, ang gitna't simulaKay tagal kong naghintay

Ikaw (ikaw)

Ikaw (ikaw)

Enjoy the lyrics !!!