damnlyrics.com

Bulag, Pipi At Bingi

Sa bawat yugto ng buhay, may wasto at may mali

Sa bawat nilalang ay may bulag, may pipi at may bingiMadilim ang 'yong paligid, hating-gabing walang hanggan

Anyo at kulay ng mundo sa 'yo'y pinagkaitan

H'wag mabahala, kaibigan, isinilang ka mang ganyan

Isang bulag sa kamunduhan, ligtas ka sa kasalanan[Chorus]

'Di nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo

Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo

'Di makita, 'di madinig, minsa'y nauutal

Patungo sa hinahangad na buhay na banalIbigin mo mang umawit, hindi mo makuhang gawin

Sigaw ng puso't damdamin wala sa 'yong pumapansin

Sampung daliri, kaibigan, d'yan ka nila pakikinggan

Pipi ka man nang isinilang, dakila ka sa sinuman[Chorus]

'Di nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo

Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo

'Di makita, 'di madinig, minsa'y nauutal

Patungo sa hinahangad na buhay na banalAno sa 'yo ang musika, sa 'yo ba'y mahalaga

Matahimik mong paligid, awitan ay 'di madinig

Mapalad ka, o kaibigan, napakaingay ng mundo

Sa isang binging katulad mo, walang daing, walang gulo[Chorus]

'Di nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo

Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo

'Di makita, 'di madinig, minsa'y nauutal

Patungo sa hinahangad na buhay na banal'Di makita, 'di madinig, minsa'y nauutal

Patungo sa hinahangad na buhay na banal

Enjoy the lyrics !!!