damnlyrics.com

Bulag, Pipi at Bingi

Madilim ang 'yong paligid, hating-gabing walang hanggan

Anyo at kulay ng mundo sa'yoy pinagkaitan

Huwag mabahala, kaibigan, isinilang ka mang ganyan

Isang bulag sa kamunduhan, ligtas ka sa kasalanan[Chorus]

Di nalalayo sa'yo ang tunay na mundo

Marami sa ami'y nabubuhay mang tulad mo

'Di makita, 'di marinig, minsa'y nauutal

Patungo sa hinahangan na buhay na banalIbigin mo mang umawit, hindi mo makuhang gawin

Sigaw ng puso't damdamin wala sa'yong pumapansin

Sampung daliri, kaibigan, d'yan ka nila pakikinggan

Pipi ka man nang isinilang, dakila ka sa sinuman(Repeat Chorus)Ano sa'yo ang musika, sa'yo ba'y mahalaga

Matahimik mong paligid, awitan ay 'di madinig

Mapala ka, o kaibigan, napakaingay ng mundo

Sa isang binging katulad mo, walang daing, walang gulo(Repeat Chorus 2x)

Song Discussions is protected by U.S. Patent 9401941. Other patents pending.

Enjoy the lyrics !!!