damnlyrics.com

Buloy

Hoy hoy buloy

naaalala mo pa ba nung tayo'y nagsasama

hoy hoy buloy

naaalala mo pa ba ang iyong mga sinabi nung ako'y may problema

sabi mo lahat ng problema'y kayang lampasan

basta't tayo'y nagsasama at nag-iinuman

hoy hoy buloy

naaalala mo pa ba nung ako ay ma-kick-out

kasi daw ako'y tanga

hoy hoy buloy

naaalala mo pa ba ning ako ay napalayas ng aking ama't ina

mangiyak-ngiyak na ko pero sabi mo ay ok lang yan

basta't tayo'y nagsasama at nag-iinuman

kaya naman ako bilib sa iyo

kasi parang napakatibay mo

lahat ng iharang ay kaya mong daanan

basta't mayroong bentang alak

diyan sa may tindahan

hoy hoy buloy

naaalala mo pa ba nung araw na na-dedo

ang aso kong si morlock

hoy hoy buloy

hoy hoy buloy

naaalala mo pa ba nung ika'y tumawag sa 'kin

at ika'y imiiyak

tapos pagkatapos nun kay tagal mong nawala

nagulat nalang ako nung narinig ko ang balita

akala ko pa naman na marunong kang magdala

nalaman ko na lang na ika'y nagpakamatay na

hoy buloy

nasaan ka man siguradong kawawa ka

malamang walang alak diyan

hoy buloy

nasaan ka man siguradong hindi ka namin malilimutan

hoy hoy buloy

para bang nalimot mo na ang iyong mga sinabi

nung ikaw ay buhay pa

Enjoy the lyrics !!!