damnlyrics.com

Cuida

Kung ako lang ang masusunod

Aakuhin ko ang 'yong pagod

Di ka na muling luluha

Lahat ng 'yong dinadala, akin na

Kung akin lang ang mundo,

Ibibigay ko sya sa iyo

Kung pag-aari ko lang ang lumbay

Itatago ko sya habang buhay

Wala nang inggit, wala nang galit

Paliligayahin kita bawat saglit

Kung akin lang ang mundo,

Ibibigay ko sya sa iyo

Kung hawak ko lang ang panahon

Wala nang kahapon at bukas,

Meron lang ngayon

Nais kong maging saysay ng aking buhay

Ay bigyan ang iyo ng kulay

Kung akin lang ang mundo,

Ibibigay ko sya sa iyo

Lyrics Submitted by Sophia

Enjoy the lyrics !!!