damnlyrics.com

Dati (with Tippy Dos Santos)

Ohh oohh yeah...Sam:

Dati rati sabay pa nating pinangarap ang lahat

Umaawit pa sa hangin at amoy araw ang balat

Naaalala ko pa noon nag-aagawan ng Nintendo

Kay sarap namang mabalikan ang ating kuwentoTippy:

Lagi-lagi ka sa amin dumidiretso pag-uwi

Maglalaro ng tao taong piso-pisong nabili

Umaawit ng theme song na sabay kinabisa

Kay sarap namang mabalikan ang alaalaBoth:

Ikaw ang kasama buhat noon

Ikaw ang pangarap hanggang ngayon (hanggang ngayon), ooohh oh ohSam:

Diba't ikaw nga yung reyna at ako ang 'yong hari

Tippy:

Ako yung prinsesang sagip mo palagi

Both:

Ngunit ngayo'y marami na ang nabago't nangyari

Ngunit 'di ang pagtingin na gaya pa rin ng

da-ra-ra-rat-da dati (3x)Na gaya pa rin ngSam:

Dati rati ay palaging sabay na mag syesta

Tippy:

At sabay ring gigising alas kwatro 'y medya

Sam:

Ohh, sabay manonood ng paboritong programa

Tippy:

Oh kay tamis namang mabalikan ang alaalaSam:

Diba't ikaw nga yung reyna at ako ang 'yong hari

Tippy:

Ako yung prinsesang sagip mo palagi

Both:

Ngunit ngayo'y marami na ang nabago't nangyari

Ngunit 'di pagtingin na gaya pa rin ngQuest (Rap):

Dati rati ay naglalaro pa ng bahay-bahayan

Gamit gamit ang mantel na tinatali sa kawayan

At pawang magkakalaban pag nagtataya-tayaan

Pero singtamis ng kendi pag nagkakasal kasalan

Diba dati ay nagkukunwaring Marvin at Jolina

Minsan ay tambalang Mylene at Bojo Molina

Ang sarap sigurong balikan ang mga alaala lalo na't kung magkayakap mga bata't magkasama atBoth (Quest):

Parang Julio't Julia lagi tayong magkasama ('di mapaghiwalay)

Sabay tayong umiiyak kapag inaapi si Sarah

(Hindi pwede yan)

Sam:

Una kang kinakatok sa pagsapit ng umaga

('Yan ang pag-ibig)

Both:

Sana mabalik pa ang dati nating pagsasamaSam:

Diba't ikaw nga yung reyna at ako ang 'yong hari

Tippy:

Ako yung prinsesang sagip mo palagi

Both:

Ngunit ngayo'y malayo ka't malabong mangyari

Sam:

Ang aking pagtingin

Tippy:

Ohh, bulong na lang sa hangin (Ibulong na lang)

Both:

Pangarap na lang din

Na gaya pa rin ng

da-ra-ra-rat-da dati(3x)

Na gaya pa rin

da-ra-ra-rat-da dati(3x)

Na gaya pa rin ng........ng dati.

Song Discussions is protected by U.S. Patent 9401941. Other patents pending.

Enjoy the lyrics !!!