damnlyrics.com

Dear Kuya

Dear kuya, kumusta ka na dyan?

Anong balita, malamig ba dyan? Dito mainit

pero kung bumagyo, para bang lahat ng tubig sa mundo ay nandito

Matagal na rin, mula nang ikay magpasyang subukan

ang swerte, at abutin ang yong mga pangarap

Sa ibang bansa kung saan ikaw ay laging mag-isa

kami tuloy dito, nag-aalala[chorus]

Nasaan ka man ngayon, ano mang oras na

ikay may kailangan, tawag ka lang sa amin

at parang nandito ka na rinOo nga pala, kung nasayo pa ang checkered na

polo ko, sa yo na yan. Hanap kana rin

ng maraming mapapaglibangan dahil balita ko

mahal daw ang sine dyan

Dambuha raw mga pinapakain dyan

tataba ka malamang. Miss mo bang magtagalog?

Kuya pag may kumausap sayo

galingan mong mag-ingles, galingan mo kuya[chorus ulit tapos]

Enjoy the lyrics !!!