damnlyrics.com

Demolition Squadd

DEMOLITION SQUAD

umaga madaling araw

nag aalmusal ng espesyal lugaw

hawak ang dyaryo nagkakape

malapit sa recto tabing palengke

kumalatog mga pinggan

yumanig ang mesang pinagkainan

biglang nabuhay ang mga putahe

patakbong tumakas papuntang kalye

nagkapit bisig magkakakosa

tamis ng pupulutaning pusa

kanya kanyang dampot ng mga bagay

na ibabato

galit na taong nagiibang anyo

tindero sundalo baboy aso

makikipag sagupaan sa lumalapit

na superhero..

ang demolition squad,demolition squad

sugod atras takbo

demolition squad,demolition squad

demolition squad..

sugod atrastakbo demolition squad..

patatas naging granada

mga patola naging espada

ginawang kutsilyo ang mga nagkalat

na ampalaya

ginawang kalasag ang mga bilao

naging batuta ang mga upo

nagtalsikan ang syang daan daang barya..

naging shurikin ang mga kubyertos

naging molotov ang kwadro kantos

may mga kandilang hinagis na parang

mga dinamita

tatlong kariton ginawang tangke

sumalubong sa unang pag abante

sugod hukbong sandatahan ng talipapa

sigawan.,sindakan.,kantyawan.,

astahan.,titigan.,girian.,murahan.,

suguran.,batuhan.,sapakan.,tadyakan.

kalmutan.,takbuhan.,atrasan.,basaan.

barilan..

sa wakas nakuwi.,duguang dumating

sa aming bahay

sinalubong ng minamahal at nahihibang

kong super nanay

matagal na nyang pangarap na akoy maging isang artista..

lalabas daw pala ako sa T.V.

bat di ko lang sinabihan daw si mama

kinilabutang napanuod kong muli

water canon in action

orchestradong mga kumpas kumpas ng

manilas finest dungeons

matapos ang komentaryo

sa STATE OF THE NATION

biglang cut kay presidente

chumichibog sa business luncheon

at pagkagaan syay nagsalita

ang dakilang misyonaryo na bumabagsak na ekonomiya

fight poverty kill the poor..

Enjoy the lyrics !!!