Liwanag ay di pa masilayan. Kailan?
Ngunit ang pangako ay aming panghahawakan
Sa lahat ng pagsubok na dumaan
Ang kahilingan, pakinggan.
Dumudulong sa’yo
O, aming Ama, aming mga luha
Ay dilig sa aming bansa
Aming panalangin, iangat ang mithiin,
Maging lahing dakila
O, aming Ama, sa aming mga luha
Imulat mo ang mga mata
Sa lahat ng takbuhin, magliwanag Ka sa amin,
Mga pagtangis ay ipunin at dinggin
Sa gitna ng ingay at kaguluhan,
Anuman ang nararamdaman
Ang tinig mo lamang ang
Aming pakikinggan
Anumang bagyo na dumaan
Ang kahilingan pakinggan.
Dumudulog sa’yo
O, aming Ama, aming mga luha
Ay dilig sa aming bansa
Aming panalangin, iangat ang mithiin,
Maging lahing dakila
O, aming Ama, sa aming mga luha
Imulat mo ang mga mata
Sa lahat ng takbuhin, magliwanag Ka sa amin,
Mga pagtangis ay ipunin at dinggin
Salamat sa luha, isang dakilang biyaya
Salamat sa luha, puso’y napalaya
Salamat sa luha, isang dakilang biyaya
Salamat sa luha, ang dilig sa aming bansa
…ay dinig sa aming bansa
Dinadalangin bawat isa’y sakupin,
Maging ilaw at asin sa mundo
…ay dinig sa aming bansa
Aming panalangin, iangat ang mithiin,
Maging lahing dakila…
O, aming Ama, sa aming mga luha
Imulat mo ang mga mata
Sa lahat ng takbuhin, magliwanag Ka sa amin,
Mga pagtangis ay ipunin at dinggin
Lyrics Submitted by Anika Beatrice R. Carillo