damnlyrics.com

Diwata

Chorus:

Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo

Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso

Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila

'Pagkat ikaw lang ang minamahal ko, oh aking diwata(Aking diwata)

Ikaw ang pinakamaganda

Pag pinagmamasdan kita, parang nagmamalikmata

(Aking diwata)

Tamang hinala, di makapaniwala

Na nakita na ang pinakamakinang na tala

(Talagang mahiwaga)

Walang katapat

Bagama't pinagbawalan

Ipaglalaban ka sapagka't

Ikaw lang ang minamahal ko

Oh aking diwataVerse 1:

Naaalala ko pa n'ung una kang masilayan, nanghihinayang

Gustung-gusto kita, kausapin,

Makilala, subalit may kaba

Kaya nahihiya langSinayang, ang nakatakdang tadhana

Karapat-dapat nga ba na magkandarapa

Sa isang prinsesa na may delicadeza

Kesa sa gano'n baka sakaling game ka maging reynaDate tayo, oo, ikaw at ako

Liparin natin ang iba't-ibang parte ng mundo

Tugma pa rin kahit sabihing hindi tayo bagay

Kasi tao tayo, si Maragsa at MalumanayKung sabagay, karangalan kong alagaan

At pahalagahan ang natural mong kagandahan

Aminin ko man o hindi

Kapag nasa paligid eh pasimple na ngumingiti

Sana kako tamaanChorus:

Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo

Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso

Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila

'Pagkat ikaw lang ang minamahal ko, oh aking diwata(Aking diwata)

Ikaw ang pinakamaganda

Pag pinagmamasdan kita, parang nagmamalikmata

(Aking diwata)

Tamang hinala, di makapaniwala

Na nakita na ang pinakamakinang na tala

(Talagang mahiwaga)

Walang katapat

Bagama't pinagbawalan

Ipaglalaban ka sapagka't

Ikaw lang ang minamahal ko

Oh aking diwataVerse 2:

Hanggang sa nagkakilala muli

At unti-unti kang nakikilala, muntik

Pang tumitiklop na parang makahiya uh

Naglakas loob uh, d'yan sa kaliwa

Ang daming pumipila, daig pa'ng MRT

Pero diba't sa pag-ibig mas kabit 'pag less than three

Anong sagot, p'ede mo 'kong tanungin

May tanong ako sa'yo, p'ede mo kong sagutin

Sana oo na lang din

Susubukang abutin

Panaginip lang kita, kaya gusto kong antukin

Oras na maghawak kamay baka bigla kang alukin

Walang hiling na kapalit, gusto lang kitang mahalin ahIkaw ang aking laging nais na makapiling

Hindi Maria Clara kundi Maria Makiling

Binibining napakaganda at wagas

Walang wakas, samahan mo ko, sabay tayong mangarap ng mataasChorus:

Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo

Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso

Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila

'Pagkat ikaw lang ang minamahal ko, oh aking diwataVerse 3 (Chito Miranda):

N'ung nakita ko s'ya, 'di makapaniwala

Sa taglay n'yang ganda, tinamaan din ako

Teka bakit ganito, ba't napaparap ako?

'Di ba sabi ko sa'yo, 'wag mo na akong isama

Para 'kong nasilaw sa kasama mong diwata

Ngayon alam ko na ba't nasisiraan ka nang ulo

Napapakanta ka na lang na parang ganitoChorus:

Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo woah

Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso woah

Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila

'Pagka't ikaw lang ang minamahal ko, oh aking diwata(Aking diwata)

Ikaw ang pinakamaganda

Pag pinagmamasdan kita, parang nagmamalikmata

(Aking diwata)

Tamang hinala, 'di makapaniwala

Na nakita na ang pinakamakinang na tala

(Talagang hiwaga)

Walang katapat

Bagama't pinagbawalan

Ipaglalaban ka sapagka't

Ikaw lang ang minamahal ko

Oh aking diwata

Song Discussions is protected by U.S. Patent 9401941. Other patents pending.

Enjoy the lyrics !!!