damnlyrics.com

Elmer

Lyrics:

Ito ay bayan ni juan

Hindi bayan ni run

Dumating pa sa puntong

Ang braso ay may bayanihan

Bago magkalimutan

Wag magsapilitan

Walang papalitan

Hindi 'to katatawanan( chorus )Wag kang maniniwala sa paligid mo

(Hindi lahat ay totoo)

Mga naririnig at nakikita mo

(Isa-isang isipin 'to)

Piliin mo ang iniidolo

(Mga ginagawa't binibigkas)

Dahil pag-usad ay hindi ganun kadulas

Kung ika'y makata sa pinasKamusta ka na idol

Ako nga pala si Elmer

Ikaw ang aking idol

Ang idol ko na rapperMula nang marinig ko

Ang kanta mong simpleng tao

Ako ay nabaliw nung

Nilabas mo pa yung lando

May bago ka bang album

Penge naman ng kopya

Meron ako nung luma

Ang kaso nga lang pirata

Sumusulat din ako

Marunong din akong mag rap

Gusto mo ipadinig ko sa'yo

Wag kang kukurap

Di lang ikaw ang idol ko

Pati rin yung stickfiggas

Bihira lang kasi

Sa pilipinas ang matikas

Mabilis kang magsalita

Pero gangsta ka ba

Meron ka na bang baril

Nakulong ka na ba

Ako rin hindi pa

Pero bukas baka sakali

May gang doon sa amin

Susubukan kong sumaliBasta tandaan mo lang

Ang pangalan ko ay Elmer

Ikaw ang aking idol

Ang idol ko na rapper( chorus )

Wag kang maniniwala sa paligid mo

(Hindi lahat ay totoo)

Mga naririnig at nakikita mo

(Isa-isang isipin 'to)

Piliin mo ang iniidolo

(Mga ginagawa't binibigkas)

Dahil pag-usad ay hindi ganun kadulas

Kung ika'y makata sa pinasGloc9 anong balita

Narito ka rin pala

Buti napadaan ka

Magpapatatoo ka ba

Nakita mo ba 'to

Ang mga bago kong tatoo

Mas maangas daw ang rapper

Pag marami kang tatoo

At makabayan ang dating

Isa pa cool ka

Nagpalagay ako ng watawat

May flag pole pa

Kasi sasali ako sa pa audition

Ng isang rapper

At maging isang artist

Sa kanyang bagong record label

Ilan ba ang natanggap

Siguro mga singkwenta

Binigyan kami ng ticket

Para daw aming ibenta

Medyo malabo ang sabi n'ya

May album pa

Eh bakit hindi n'ya malabas

Ang album n'ya

Ah baka naman busy lang

Kaya pare easy lang

Kasi mga mayabang lang

Ang mahilig magbilangPero sana maalala mo

Ang pangalan ko'y Elmer

Ikaw ang aking idol

Ang idol ko na rapper( chorus )Wag kang maniniwala sa paligid mo

(Hindi lahat ay totoo)

Mga naririnig at nakikita mo

(Isa-isang isipin 'to)

Piliin mo ang iniidolo

(Mga ginagawa't binibigkas)

Dahil pag-usad ay hindi ganun kadulas

Kung ika'y makata sa pinasIto ay bayan ni juan

Hindi bayan ni run

Dumating pa sa puntong

Ang braso ay may bayanihan

Bago magkalimutan

Wag magsapilitan

Walang papalitan

Hindi 'to katatawanan

Song Discussions is protected by U.S. Patent 9401941. Other patents pending.

Enjoy the lyrics !!!