damnlyrics.com

Gayuma

Nadadatnan kita, tambay ka sa kanto

Tuwing ako'y uuwi, nakatingin ka sa 'kin

Naiinis ako sa mukha mong gusgusin

Wala ka bang trabaho't istorbo ka sa akin

Okey ka lang ba,mamang estranghero

Kung akala mo'y mahulog sa'yo

Maghilamos ka nang todo para tanggal 'yang amats mo

Sa 'di sinasadya, nagtagpo landas natin

Ako'y sinuyo mo akhit ika'y sampal-sampalin

Nakita ko ikaw pala'y may magandang hangarin

At 'di ang yaman ko ang ninanais angkinin

Malapit na nga ba ang delubyo

Pa'no ang langit at lupa'y nagtagpo

Ano bang meron ka't di ka matanggal sa isip ko

Ginayuma mo ata ako at paggising ko, ako'y in love na sa'yo

Nagdedeliryo, o ba't nagkaganito at kahit 'di tayo bagay,naloloka sa'yo

Matatanggal na mana kay Daddy 'pag sa manliligaw ikaw pinili

Hilong-talilong sa paghahabol sa'yo

Magpatingin na raw ako sa doktor ng ulo

Sabi sa 'kin ng mga kaibigan ko

Ano raw kagagahan aking napasukan

At buhay marangya tinalikuran ko

Ang sabi nga sa akin ni Daddy

"Naglupasay mga anghel sa langit"

Sa malas na araw na ako ay nabingwit mo

Ginayuma mo ata ako at paggising ko, ako'y in love na sa'yo

Nadedeliryo, o ba't nag kaganito at kahit 'di tayo bagay, naloloka sa'yo

Pinagpalit sa kotse, tsokolate at rosas, traysikel, adidas at sampaguitang kwintas

May sayad ba ako at in love na in love sa iyo

May sayad ba ako at in love na in love sa iyo

Ginayuma...

Enjoy the lyrics !!!