damnlyrics.com

Haplos

Mahal hanggang kailan

Maghihintay ang puso ko

Nangungulila sa iyo

Handog ang buhay ko

Sa bawat pintig ng pulso

Ay alay lamang sa iyo

Lahat ibibigay

Basta’t sa kin ika’y wag nang mawawalay

Sabihin mo sa akin kailan mali ang pag-ibig

Kailangan bang masaktan pa ating mga damdamin

Yakapin mo ako oh hagkan mo akong muli

Wag kang bibitiw,sabay natin lalakbayin ang langit

Pa’no magwawakas

Ang paghihirap ng dibdib

Sa Diyos ako’y nananalig

Handog ang buhay ko

Sa bawat pintig ng pulso

Ay alay lamang sa iyo

Walang ibang hangad

Dahil itong puso ikaw lamang ang pinapangarap

Sabihin mo sa akin kailan mali ang pag-ibig

Kailangan bang masaktan pa ang ating mga damdamin

Yakapin mo ako oh hagkan mo akong muli

Wag kang bibitiw sabay natin hahaplusin ang langit.

---

Lyrics submitted by fritz josephvillegas.

Enjoy the lyrics !!!