damnlyrics.com

I Love to Know

Kung nag-iisa at nalulumbay

Dahil sa hirap mong tinataglay

Kung kailangan mo ng karamay

Tumawag ka at Siya’y naghihintay

Siya ang iyong kailangan, sandigan, kaibigan mo

Siya ang araw mong lagi at karamay kung sawi

Siya ay si Hesus sa bawat sandali

Kung ang buhay mo ay walang sigla

Laging takot at laging alala

Tanging kay Hesus makaaasa

Kaligtasan lubos na ligaya

Siya ang dapat tanggapin at kilanlin sa buhay mo

Siya noon, bukas ngayon sa dalangin mo’y tugon

Siya ay si Hesus sa habang panahon

Kaya’t ang lagi mong pakakatandaan

Siya lang ang may pag-ibig na tunay

Pag-ibig na tunay!

Siya ang iyong kailangan…

Siya ang iyong kailangan, sandigan, kaibigan mo

Siya ang araw mong lagi at karamay kung sawi

Siya ay si Hesus sa bawat sandali

Siya!

Siya ang dapat tanggapin at kilanlin sa buhay mo

Siya noon, bukas ngayon sa dalangin mo’y tugon

Siya ay si Hesus, Siya ay si Hesus, Siya ay si Hesus! Sa habang panahon

---

Lyrics submitted by Jaime.

Enjoy the lyrics !!!