damnlyrics.com

Ikaw At Ako

Ikaw at ako, pinagtagpo

Nag-usap ang ating puso

Nagkasundong magsama habangbuhay.

Nagsumpaan sa Maykapal

Walang iwanan, tag-init o tag-ulan

Haharapin bawat unos na mag-daan.

Sana'y di magmaliw ang pagtingin

Kaydaling sabihin, kayhirap gawin

Sa mundong walang katiyakan

Sabay natin gawing kahapon ang bukas.

Ikaw at ako, pinag-isa

Tayong dalwa may kanya kanya

Sa isa't-isa tayo ay sumasandal

Bawat hangad kayang abutin

Sa pangamba'y di paaalipin

Basta't ikaw, ako

Tayo magpakailanman.

Kung minsan ay di ko nababanggit

Pag-ibig ko'y di masukat

Ng anumang lambing

At kung magkamali akong ika'y saktan

Puso mo ba'y handang magpatawad

Di ko alam ang gagawin kung mawala ka

Buhay ko'y may kahulugan

tuwing ako'y iyong hagkan

Umabot man sating huling hantungan

Kapit-puso kitang hahayaan

Ngayon at kailanman

Ikaw at ako.

Song Discussions is protected by U.S. Patent 9401941. Other patents pending.

Enjoy the lyrics !!!