damnlyrics.com

Ikaw Pa Rin

nang matapos na ang mga araw

na ika'y sa aking piling,

iniibig ka pa rin

nang maglaho na ang sikat ng

buwan at araw sa t'uing magdamag

ikaw pa rin

bakit nga ba 'tong pusong nasugatan

tila nais pa rin maramdaman

tamis ng yakap mo't halik

naaalala mo pa ba

nung tayo'y magkasama pa

'yong sinabi't pinangako na nalimot mo na s'ya

kahit naglaho ka na

muling sumama sa kanya

sa aking puso ay ikaw pa rin

ikaw pa rin

t'wing paggising sa umaga

ang iyong mukha

ang nais halikan at sambahin

sa maghapon ay iniisip ka lamang

at ang mga nakaraan na kay saya

bakit nga ba iyong puso'y sinugatan

habang pagsisisi ay hindi na kaylanman mawawala

naaalala mo pa ba

nung tayo'y magkasama pa

iyong sinabi't pinangako na tayo'y may pag-asa

ngayon kahit siya'y akin

sa kanyang yakap at lambing

ang ninanais ay ikaw pa rin

ikaw pa rin

nang matapos n'ang mga araw na ika'y sa aking piling

iniibig ka pa rinnang maglaho na ang sikat ng

buwan at araw sa t'wing magdamag

ikaw pa rin

naaalala mo pa ba

nung tayo'y magkasama pa

'yong sinabi't pinangako na nalimot mo na s'ya

kahit naglaho ka na

muling sumama sa kanya

sa aking puso ay ikaw pa rin

ikaw pa rin

---

Lyrics submitted by moira.

Enjoy the lyrics !!!