damnlyrics.com

Ikaw na ang bahala (Panalangin)

Ang ganda ng buhay,

Mahal kong Diyos

Sana papuri sa'yo'y

tunay na malubos

Nais kong mabuhay

sa mundong kay ganda

Na dinadakila'y pangalan

Mo twina

Ikaw na ang bahala

sa amin Ama

At sa mga araw na

darating pa

Dalangin namin ay

pagpalain Mo sana

Ikaw ang pag-ibig namin

at pag-asa

Ikaw na ang bahala

sa amin Ama

At sa mga araw na

darating pa

Tanging sa'yo lamang

hihingi ng awa

Sa bawat sandali

Ikaw na ang bahala

Makulay ang buhay

mahal kong Diyos

Sana pagmamahal Mo

sa mundo'y bumuhos

Salamat sa pag-ibig

na nasa puso ko

Salamat sa buhay na

galing sa Iyo

//Ikaw na ang bahala

sa amin Ama

At sa mga araw na

darating pa

Dalangin namin ay

pagpalain Mo sana

Ikaw ang pag-ibig namin

at pag-asa

Ikaw na ang bahala

sa amin Ama

At sa mga araw na

darating pa

Tanging sa'yo lamang

hihingi ng awa

Sa bawat sandali

Ikaw na ang bahala//

Sa bawat sandali

Ikaw na ang bahala

---

Lyrics submitted by helen.

Enjoy the lyrics !!!