damnlyrics.com

Industriya (feat. KZ Tandingan)

Gloc-9 - Industriya Feat. KZ Tandingan

Chorus - KZ Tandingan

Mga pangarap na hinahanap ay abo't kamay mo na

Pera't alak kung iyong balak mapagsasabay mo pa

Pero mag-ingat sa pag-sipat ng mga hinahangad

Nakakaduling kung matulin o matayog ang lipad

Do'n sa'min (sumama ka sa'min)

Do'n sa'min (lumapit ka sa'min)

Do'n sa'min (makinig ka sa'min)

Do'n sa'min

Sisikat ka

Do'n sa'min (sumama ka sa'min)

Do'n sa'min (malapit ka sa'min)

Do'n sa'min (makinig ka sa'min)

Yayaman ka

Do'n sa'min (sumama ka sa'min)

Do'n sa'min (lumapit ka sa'min)

Do'n sa'min (makinig ka sa'min)

Pakinggan mo (dahil dahil)

Ang mga kwento ng industriya

(Pare tignan mo sisikat din ako)

(Di nga)

Verse 1 - Aristotle Pollisco

Ito ay ang mga kaganapan sa buhay

Ng isang tao sa mundo na iba't iba ang kulay

Ilaw na patay-sindi kahit na hindi gabi

Malalakas na tugtugin na nakakabingi

Pero ito ang dinasal (dasal) ito ang pinaghirap (hirap)

Kapalit ng pag-aaral kahit tila mahirap

Habulin hulihin lunurin baguhin ang sarili

Matuling-tuling bunutin pag natibo ka ng bote

Sa paa dapat lagi kang nakatapak sa lupa

Kahit na alam mong ang puhunan mo'y dugo at luha

Meron kang dala-dalang 'di alam ng iba

Lamunin man ng kaba in-ensayo mo na

At hinding-hindi ka papayag na 'di mo maabot

Kahit punitin pa'ng iyong layod laot na mahamog

Madilim at malayo maalon na daan

Kahit na ano pa 'yan ay kanyang lalampasan

Chorus - KZ Tandingan

Mga pangarap na hinahanap ay abo't kamay mo na

Pera't alak kung iyong balak mapagsasabay mo pa

Pero mag-ingat sa pag-sipat ng mga hinahangad

Nakakaduling kung matulin o matayog ang lipad

Do'n sa'min (sumama ka sa'min)

Do'n sa'min (lumapit ka sa'min)

Do'n sa'min (makinig ka sa'min)

Do'n sa'min

Sisikat ka

Do'n sa'min (sumama ka sa'min)

Do'n sa'min (malapit ka sa'min)

Do'n sa'min (makinig ka sa'min)

Yayaman ka

Do'n sa'min (sumama ka sa'min)

Do'n sa'min (lumapit ka sa'min)

Do'n sa'min (makinig ka sa'min)

Pakinggan mo (dahil dahil)

Ang mga kwento ng industriya

(Uy si idol oh)

(Ang yabang na man n'yan eh)

Verse 2 - Aristotle Pollisco

Liwanag na nakakasilaw (silaw) di mula sa araw (araw)

Palakpakan at pangalan mo ang nangingibabaw (baw)

Sigawan ng mga tao kahit saang magpunta

Ikaw lang ang gusto nila at wala ng iba

Kahit ano iyong gawin ay kanilang bibilhin

Makita lang ang kinang ng iyong bituwin

Sa bilis ng pangyayari hindi mo namalayan

Bagong bahay lote kotse lupa't kayamanan

Ang nasa iyong kamay na gustong kamayan

Ng lahat kaibigan na hindi mo na bilang

Palaging naka-akbay gusto kang sabayan

Sa daan papayongan ka kapag umuulan

Ika'y na-wili at tila ba nalasing ka sa lahat

Ng mali kasi alam mo na ikaw lang ang sikat

Sa layo ng narating di mo nakita ang hinanap

Sa dami ng 'yong hawak naging bangungot ang

Chorus - KZ Tandingan

Mga pangarap na hinahanap ay abo't kamay mo na

Pera't alak kung iyong balak mapagsasabay mo pa

Pero mag-ingat sa pag-sipat ng mga hinahangad

Nakakaduling kung matulin o matayog ang lipad

Do'n sa'min (sumama ka sa'min)

Do'n sa'min (lumapit ka sa'min)

Do'n sa'min (makinig ka sa'min)

Do'n sa'min

Sisikat ka

Do'n sa'min (sumama ka sa'min)

Do'n sa'min (malapit ka sa'min)

Do'n sa'min (makinig ka sa'min)

Yayaman ka

Do'n sa'min (sumama ka sa'min)

Do'n sa'min (lumapit ka sa'min)

Do'n sa'min (makinig ka sa'min)

Pakinggan mo (dahil dahil)

Ang mga kwento ng industriya

(Uy kilala mo ba yun)

(Oo laos na yan eh)

Verse 3 - Aristotle Pollisco

Panahon ay dumaan naging pangilan-ilan

Ang pagsampa ng entablado nakalimutan

Ang mga awit na inawit malalakas na hiyaw

Bakanteng upunan ang nakikinig lang ay ikaw

Sa isang iglap ay tila wala ng nakakakilala

'Di mo matanggap kasi wala ng nakaka-alala

Dumating ang tag-tuyot ng walang kamalay-malay

Malungkot dahil hindi ka nagtatabi ng palay

No'ng sagana sa lahat madami kang kaibigan

Na akala mo ay hinding-hindi ka tatalikuran

Iyong napag-alaman ng ika'y mapag-iwanan

Matapos ang lahat ikaw ang pinagtatawanan

Dahil na-wili at tila ba nalasing ka sa lahat

Ng mali ngayon alam mo na hindi ka na sikat

Ang layo ng narating di mo nakita ang hinanap

Humawak ka dahil pwede pang mabawi ang

Chorus - KZ Tandingan

Mga pangarap na hinahanap ay abo't kamay mo na

Pera't alak kung iyong balak mapagsasabay mo pa

Pero mag-ingat sa pag-sipat ng mga hinahangad

Nakakaduling kung matulin o matayog ang lipad

Do'n sa'min (sumama ka sa'min)

Do'n sa'min (lumapit ka sa'min)

Do'n sa'min (makinig ka sa'min)

Do'n sa'min

Sisikat ka

Do'n sa'min (sumama ka sa'min)

Do'n sa'min (malapit ka sa'min)

Do'n sa'min (makinig ka sa'min)

Yayaman ka

Do'n sa'min (sumama ka sa'min)

Do'n sa'min (lumapit ka sa'min)

Do'n sa'min (makinig ka sa'min)

Pakinggan mo (dahil dahil)

Ang mga kwento ng industriya

Do'n sa'min (sumama ka sa'min)

Do'n sa'min (lumapit ka sa'min)

Do'n sa'min (makinig ka sa'min)

Do'n sa'min

Do'n sa'min (sumama ka sa'min)

Do'n sa'min (malapit ka sa'min)

Do'n sa'min (makinig ka sa'min)

Do'n sa'min (sumama ka sa'min)

Do'n sa'min (lumapit ka sa'min)

Do'n sa'min (makinig ka sa'min)

Pakinggan mo

Ang mga kwento ng industriya

Enjoy the lyrics !!!