damnlyrics.com

Iwanan Mo Na Siya

Hindi mo ba alam?

Na kriminal yang boyfriend mo

Nakita ko siya dati,

Nagtitinda ng drugs sa kalye

Magingat ka sinta

Wag kang basta magtitiwala

Hindi mo ba napapansin

Parang ang hina nyang kumain

Baka naman nagshashabu

Mabuti pa ipakulong na natin

Sindikato tatay nyan

Kaya siguro siya mayaman

Wag ka sanang maniwala sa mga katulad nya

Di ka dapat magtiwala at iwanan mo na sya

Sapagkat mahal kita

At walang ibang magagawa

Kundi sirain ang pangalan nya.sinta

Nakwento ko na ba giliw?

Na ang BF mo ay may pagkabaliw

Mahilig siyan kumain

Ng basura at buhangin

Ano ngayon kung pogi sya

Mukha naman syang kontra bida

Wag mo sanang sasabihin

Na nanggaling sa akin ang lahat ito

Ang sabihin mo

Na lamang ay may nagtext syo

At di mo alam kung sino

Enjoy the lyrics !!!