damnlyrics.com

Kahit Ako'y Pangit

(Lyrics by: Gerard Cejudo on Facebook)

Ang ibig mong sabihin

Ako'y mahal mo rin

Kahit ang iyong tropa

Ay tutol sa akin

Dahil daw ako ay Pangit

At dehins bagay

Sa 'yong beauty

Ang ibig mong sabihin

Sa 'yo'y Walang Halaga

Ang aking kapintasan

Ay 'di mo nakikita

Ang tangi mo lang nalalaman

Ako ay iyong minamahal

Ang hindi nila nalalaman

Sa akin ay iyong natagpuan

Pangit lang akong pagmasdan

Ngunit puso'y may gintong kalooban

Ang ibig mong sabihin

Kahit na ako ay pangit

Sa puso mo at isip

Ako ang iyong nais

At kahit na ako ay pangit

Hindi na ako maninimdim

Ang hindi nila nalalaman

Sa akin ay iyong natagpuan

Pangit lang akong pagmasdan

Ngunit puso'y may gintong kalooban

Pangit lang akong pagmasdan

Ngunit puso'y may gintong kalooban

Lyrics Submitted by Lord Gerard Cejudo

Enjoy the lyrics !!!