damnlyrics.com

Kailan

Kailan mo ako hahagkan?

Matagal na akong naghihintay.

Nakadungaw sa bintana.

Mga dahon lang ang kumakaway.

Kailan ko mararamdaman, pagdampi ng iyong labi?

Tinatanaw ko ang mga bituin mga luha humahalik sa pisngi

Kailan ako tatahan?

Higpit ng yakap ng 'yong dibdib

Nakatingin ako sa salamin.

May guhit ang noo't mapait ang ngiti

Kailan ko mararamdaman, pagdampi ng iyong labi?

Tinatanaw ko ang mga bituin mga luha humahalik sa aking pisngi

Kailan ko masisilayan?

Sa araw-araw aking mahal

Mula paggising hanggang sa pag-idlip

Kagandahan mong walang patid

Kailan mo ako hahagkan?

Matagal na akong naghihintay.

Nakadungaw sa bintana.

Mga dahon lang ang kumakaway

Kailan ko mararamdaman, pagdampi ng iyong labi?

Tinatanaw ko ang mga bituin, mga luha humahalik sa'kin pisngi

Kailan ako lalaya?

Sa anino ng pag-iisa

Mga rehas lang ang tanaw

Nagniningning sa seldang maginaw

Woah oh!

Enjoy the lyrics !!!