damnlyrics.com

Kalikasan Ay Kayamanan

Di mo ba napapansin

Mga malawak na bukirin

Napupuno'ng unti-unti

Ng naglalakihang mga gusali

Pinapatag ang kabundukan

Dagat at tinatabunan

Kinakalbo ang kagubatan

Pag-unlad ba ay sadyang ganyan

Tungo sa mithing kaunlaran

Tayo'y may pananagutan

Sana'y wag kalilimutan

Kalikasan ay kayamanan

Kaloob ng kalangitan

Pag itoy inalagaan

Tayo ang makikinabang

Kalikasan ay kayamanan

Kaloob ng kalangitan

Pag ito'y pinabayaan

Tayo rin ang mahihirapan

Mga ino'y sa mga puno

Mga isda nama'y sa laot

Kagubatang sa ibang hayop

Wag hayaang tuluyang maglaho

Tungo sa mithing kaunlaran

Tayo'y may pananagutan

Sana'y wag kalilimutan

Kalikasan ay kayamanan

Kaloob ng kalangitan

Pag ito'y inalagaan

Tayo ang makikinabang

Kalikasan ay kayamanan

Kaloob ng kalangitan

Pag ito'y pinabayaan

Tayo rin ang mahihirapan

-END-

Lyrics Submitted by Juliana Nivy (IANA)

Enjoy the lyrics !!!