damnlyrics.com

Kay Dali

Oh...

Dati-rati sabay pa nating pinangarap ang lahat

Umaawit pa sa hangin at amoy araw ang balat

Naaalala ko pa noon nag-aagawan ng Nintendo

Kay sarap namang mabalikan ang ating kuwento

Lagi lagi ka sa amin dumidiretso pag uwi

Naglalaro ng tao-taong piso-pisong nabili

Umaawit ng theme song na sabay kinabisa

Kay sarap namang mabalikan ang alaala

Ikaw ang kasama buhat noon

Ikaw ang pangarap hanggang ngayon

Ooohh oh oh

Di ba't ikaw nga yung reyna at ako ang 'yong hari

Ako yung prinsesang sagip mo palagi

Ngunit ngayo'y marami nang nabago't nangyari

Ngunit ang pagtingin ay gaya pa rin ng

Darararada dati, darararada dati

Na gaya pa rin ng

Dati-rati ay palaging sabay na mag syesta

At sabay ring gigising alas kwatro-y-medya

Sabay manonood ng paboritong programa

Oh kay tamis namang mabalikan ang alaala

Diba't ikaw nga yung reyna at ako ang 'yong hari

Ako yung prinsesang sagip mo palagi

Ngunit ngayo'y marami nang nabago't nangyari

Ngunit ang pagtingin na gaya pa rin ng

Dati-rati ay naglalaro pa ng bahay bahayan

Gamit-gamit ang mantel na tinatali sa kawayan

At pawang magkakalaban pagnagtataya-tayaan

Pero singtamis ng kendi pag nagkakasal-kasalan

Diba dati ay nagkukunwaring Marvin at Jolina

Minsan ay tambalang Mylene at Bojo Molina

Ang sarap sigurong balikan ang mga alaala

Lalo na't kung magkayakap mga bata't magkasama at

Parang Julio't Julia lagi tayong magkasama (Hindi mapaghiwalay)

Sabay tayong umiiyak pag inaapi sa sala (Hindi pwede yan)

Una kang kinakatok sa pagsapit ng umaga ('Yan ang pag-ibig)

Sana mabalik ang dati nating pagsasama

Diba't ikaw nga yung reyna at ako ang 'yong hari

Ako yung prinsesang sagip mo palagi

Ngunit ngayo'y malayo ka't malabong mangyari

Ang aking pagtingin (ohh, bulong na lang sa hangin)

Pangarap na lang din (pangarap na lang din)

Na gaya pa rin ng

da-ra-ra-rat-da datiNa gaya pa rin

da-ra-ra-rat-da datiNa gaya pa rin ng

NG DATI.

Song Discussions is protected by U.S. Patent 9401941. Other patents pending.

Enjoy the lyrics !!!