damnlyrics.com

Lando

[Chorus]

Wag kang mabahala may nagbabantay sa dilim

Nag-aabang sa sulok at may hawak na patalim

Di ka hahayaan na muli pang masaktan

Wag ka nang matakot sa dilim

(GLOC 9)

Ito ay kwentong hango na galing sa dalawang taong

Nagmamahalan ng tunay ang ngala'y Elsa at Lando

At kahit parang pagkakataon ay nakakandado

Dahil magkalayo ang uri ng buhay ang estado

Ng buhay ni Lando ay di nalalayo sa marami

Sinunog ng araw ang kulay ng balat at

Marami ng galon ng pawis ang kanyan naidilig sa lupa

Upang ang gutom ay di masuklian pa ng luha

Habang ang babaeng kanyang minamahal ay sagana

Ngunit kabilang sa pamilya na di alintana makikipag-kapwa

Tao sa mga tulad niyang dukha

Gayon pa ma'y patuloy ang pagmamahal na pinunla ng pag-ibig

[Chorus]

Wag kang mabahala may nagbabantay sa dilim

Nag-aabang sa sulok at may hawak na patalim

Di ka hahayaan na muli pang masaktan

Wag ka nang matakot sa dilim

Isang gabi na Huwebes lumubog na ang araw

Doon tayo magkita pasalubong ko'y siopao

Upang ating paghatian pagdating ng hapunan

Meron palang nakaabang sa amin na kamalasan

Eskinita sa Ermita may sumaksak kay Elsa

Sa tagiliran isang makalawang na lanseta

Ang gamit upang makuha lang ang kanyang pitaka

Kami'y mahirap lamang bakit di na siya naawa

Hindi ko naabutang buhay ang aking mahal

At hanggang sa huling hantungan ay nagdarasal

Bakit po bakit po ang laging lumalabas

Sa 'king bibig palaboy-laboy ni walang landas

Akong sinusunod baliw sa mata ng marami

Siguro nga di ko na kilala aking sarili

Pangala'y taong grasa may patalim na gamit

At ang tanging alam ay isang malungkot na awit

At ang sabi...

[Chorus]

Wag kang mabahala may nagbabantay sa dilim

Nag-aabang sa sulok at may hawak na patalim

Di ka hahayaan na muli pang masaktan

Wag ka nang matakot sa dilim

Wag ka nang matakot sa dilim...

---

Enjoy the lyrics !!!