damnlyrics.com

Lando

chorushuwag kang mabahala may nagbabantay sa dilim

nag-aabang sa sulok at may hawak na patalim

di ka hahayaan na muli pang masaktan

huwag kanang matakot sa dilimitoy kwentong hango

nanggaling sa dalawang taong nagmamahalan ng tunay

ang ngala'y elsa at lando

at kahit parang ang pagkakataon ay nakakandado

dahil magkalayo ang uri ng buhay

ang estado ng buhay ni lando ay dina lalayo sa marami

sinunug ng araw ang kulay ng balat

at marami nang galon ng pawis ang kanyang naidilig sa lupa

upang ang gutom ay di na masuklian pa ng luha

habang ang babaeng kanyang minamahal ay sagana

ngunit kabilang sa pamilya na di alintanang

makipag kapwa tao sa mga tulad niyang dukha

gayon pa ma'y patuloy ang pagmamahal na pinunla ng pag-ibigchorushuwag kang mabahala may nagbabantay sa dilim

nag-aabang sa sulok at may hawak na patalim

di ka hahayaan na muli pang masaktan

huwag kanang matakot sa dilimkahit na ano mang bagay ang pilit na ihadlang

at sino man ay walang makapipigil sa paghakbang

ng mga paa na ang nais ay marating ang ligaya

niyayang magtanana di nag-atubili na sumama

hawak ang pangarap at pangako sa isa't isa

nagpakalayo-layo di namuhay ng may kaba

dahil alam nilana sa bawat isa'y nakalaan

at pagmamahalan tangi nilang sinasandalan

wala nang ibang bagay pa silang mahihiling

kung di isang pamilya sa loob ng apat na dingding

at isang bubong na maaaring tawaging tahanan

bakit may pangit nakabanatang kailangang daanan pachorushuwag kang mabahala may nagbabantay sa dilim

nag-aabang sa sulok at may hawak na patalim

di ka hahayaan na muli pang masaktan

huwag kanang matakot sa dilimisang gabi ng huwebes lumubog na ang araw

doon tayo magkita pasalubong ko'y siopao

upang ating paghatian pagdating ng hapunan

mayro'n palang nakaabang sa 'min na kamalasan

eskinita sa ermita may sumaksak kay elsa

sa tagiliran isang makalawang na lanseta

ang gamit upang makuha lang ang kanyang pitaka

kami'y mahirap lamang bakit di na siya naawa

hindi ko naabutang buhay ang aking mahal

at hanggang sa huling hantungan ay nagdarasal

bakit po, bakit po ang laging lumalabas sa aking bibig

palboy-laboy ni walang landas akong sinusunod

baliw sa mata ng marami

siguro nga di ko na kilala ang aking sarili

pangala'y taong grasa may patalim na gamit

at ang tanging alam ay isang malungkot na awit at ang sabi'ychorushuwag kang mabahala may nagbabantay sa dilim

nag-aabang sa sulok at may hawak na patalim

di ka hahayaan na muli pang masaktan

huwag kanang matakot sa dilimhuwag kanang matakot sa dilim

Song Discussions is protected by U.S. Patent 9401941. Other patents pending.

Enjoy the lyrics !!!