damnlyrics.com

Liwanag

Chorus:

Bakit di mo pagbigyan

Ang pintuan ko'y buksan

Ang siyang hinahanap mo

Nariyan lang sa puso mo

Bakit di mo pagbigyan

Ang pintuan ko'y buksan

Ang siyang hinahanap ko

Nariyan lang sa puso mo

Verse 1:

Makinig sa mga salitang aking isinulat

At buksan ang mga mata na hindi nakamulat

Matagal ko nang gustong lahat kayo'y kausapin

Wag mawalan ng pagasa ano man ang suliranin

Bawat kirot, bawat sakit ang iyong nararamdaman

Manalig ka lamang at ito'y malalagpasan

Pupunasan ang luha di na muli pang luluha

Isipin lang na paa niya ang nakabakat sa putik at di sayo

Chorus:

Bakit di mo pagbigyan

Ang pintuan ko'y buksan

Ang siyang hinahanap ko

Nariyan lang sa puso mo

Bakit di mo pagbigyan

Ang pintuan ko'y buksan

Ang siyang hinahanap ko

Nariyan lang sa puso mo

Verse 2:

Ang pangalan ko'y Allan, isang batang lansangan

Palaboy-laboy naghihintay na ako ay kaawaan

At tapunan ng kahit na ilang pirasong barya

May sakit na ang aking ina at wala na ang aking ama

Meron akong nakakatandang kapatid na babae

Nagtatrabaho sa gabi sa aki'y may nakapagsabi

Kahit walang pagbabago patuloy ang paghihirap

Ito'y hindi hadlang sa akin upang ako'y mangarap

At manalangin sa may kapal, Patuloy na magdasal

Ilang araw ay sisikat at hindi rin magtatagal

Bukas ay liliwanag ako'y di na iiwanan

Kahit na makasalanan ay di niya papabayaan

Salamat po ama

Chorus:

Bakit di mo pagbigyan

Ang pintuan koy buksan

Ang siyang hinahanap ko

Nariyan lang sa puso mo

Bakit di mo pagbigyan

Ang pintuan koy buksan

Ang siyang hinahanap mo

Nariyan lang sa puso mo

Verse 3:

Sa pagsindi ng kandila liwanag ang ibinigay

Liwanag na hatid ng araw sa bukang liwayway

Itoy sinulat6 ng aking kamay, inisip ng aking utak

Tinype ng daliri na siya na ring humahawak ng mikropono

Mike check with drums to my sense, a creep to my stand

So I can rap my friend

Itong lahat ay sinulat, parang balitang inulat

Lahat ng taoy nagulat, sa pagsanggulat ng mulat

Di ko masabi kung bakit ganon na lang tingin sa akin

Ng mga taong humangang biyaya galling sa langit

Pasasalamat sa hari na siyang nagmumukod tanging

At di nyo kayang bilangin ang mga butil ng buhangin

Kayat ang tanging dalangin tuloy tuloy na palarin

Tuloy tuloy na umawit na siyang tunay na hangarin

Ito na rin marahil ang kailangan nating gawin

Umamin sa ating mga sala

Ama ako ay iyong patawarin

Chorus:

Bakit di mo pagbigyan

Ang pintuan koy buksan

Ang siyang hinahanap ko

Nariyan lang sa puso mo

Bakit di mo pagbigyan

Ang pintuan koy buksan

Ang siyang hinahanap mo

Nariyan lang sa puso mo

---

Enjoy the lyrics !!!