damnlyrics.com

Lord Merry Christmas

Kinakausap lang kita pero hindi ako uutang

Sapagkat ang Pasko, araw ng pagbibigayan

Sana inyong pagbigyan ang aming munting hiling

Aming ilalambing, kami ay mangangarolingSa kalansing ng gitara at tantsang inaalog

Tambol lang ay de lata at batong pinag-untog

Mga simple ang tunog pero hahanap-hanapin

Aming ihahandog ang mga talento naminAming tatanggapin nang bukal sa'ming loob

Sardinas o kape, noodles man o pasaload

Kung wala kayong barya, OK lang sa amin

At kahit na buo pa yan aming tatanggapinSosolohin ko ang blessing (Naku! Bad yan!)

Mas OK magbigay kaysa sa binibigyan

Maghihintay na lang, bukas ang mga palad

Basta huwag na huwag mong sasabihin sa'min na "What?", "Patawad"

Lord, Merry Christmas!

Magbigayan, Magmahalan nang wagas

Ipagdiwang ang kapaskuhang walang wakas

(Repeat)Pagkalipas mangaroling sa tabi-tabi

Mas excited kami at magsisimbang-gabi

Para amin nang masabi ang aming pasasalamat

Sa lahat ng biyaya na iyong pinalasapSingsarap ng hamon pati na keso de bola

Singsarap ng lechon mapa-baboy man o baka

Wala nang sasarap pag kumpleto ang pamilya

Sama-sama sa lamesa, masaganang Noche BuenaSagot mo na lahat, ikaw na rin ang ninong

Di kami magpapabayad pero pwede ang donation

Wag ka nang magtanong kung ba't may medyas dun sa house

Ikaw na din ang gaganap na Santa Claus

Lord, Merry Christmas!

Magbigayan, Magmahalan nang wagas

Ipagdiwang ang kapaskuhang walang wakas

(Repeat)Diwa ng Pasko ano ba talaga

Di lang biyaya ang mahalaga

Mahalin nating ang bawat isa

Tayo naman ang magpasayaIwasan na muna ang mga tampo

Patawarin mo mga kaaway mo

Tuparin mo mga pangako mo

Ang pagbabago isapuso moDapat lahat magpakatapat

Magpasalamat ka pa muna

Huwag kang maatat, hwag kang manumbat

At higit sa lahat, hwag kang makunatAt lalong aangat ang buhay mo

Sasagana lahat ang buong taon mo

Ipasa sa mga anak, at sa mga apo mo

Sa buong mundo, Maligayang Pasko!Lord, Lord, Lord Merry Christmas!

Lo-oh-oh-oh, oh-oh-oh, Lord

(Repeat)... Patawad (Merry, Merry Christmas)

Song Discussions is protected by U.S. Patent 9401941. Other patents pending.

Enjoy the lyrics !!!