damnlyrics.com

Maligayang Araw

I

Maligayang araw at oras ng pagdating

Bilang pasalubong ng nayon at bukirin

Tunay na galak ng lahat ng nariritong bulaklak

Awit at sayawan naman ang nakaganyak.

II

Ang binata kung umibig

sa dalagang taga-bukid

Kunwari pa'y walang nais

ngunit puso'y pumipintig

(Ulitin ang I)

III

Ang dalagang taga-nayon mahinhin at mahinahon

Kunwari pa'y walang layon ngunit puso'y kalung-kalong

Kaya nga't kung iibigin magt'yaga kang manalangin;

Kung hindi mo susuyuin lalayo ang pagtingin

(Ulitin ang I)

---

Lyrics submitted by maria theresa.

Enjoy the lyrics !!!