damnlyrics.com

Mata Ng Diyos

Sa pagmulat ng aking mata

Ako'y ginising ng ihip ng hangin

Ang sikat ng araw, makulaySa tabi ng ilog

Parang may tumatawag

Na pabulong

Ako'y lumapit

Sa puno'y may natanaw

Dumilim ang arawBumigat bigla ang aking dibdib

Tibok ng puso'y bumilis

Ako'y hindi mapakali

Ako'y naduduwalSa pagtitig ng kanyang mata

Ako'y kanyang hinusgahan

Ligaya kong naramdaman

Binawi sa akinAt hindi ko maalala

Kung saan galing ito

Mga bahid ng dugo

Dumikit sa aking mga kukoTumakbo, lumayo sa lugar na 'to

Lalamunan ko'y tuyong-tuyo

Tumakbo, lumayo sa titig mo

Sa mata ng diyosBiglang umikot ang paningin

Liwanag ng araw, biglang dilim

Malambing na ihip ng hangin

Ngayon ay matalimAko'y nawala sa 'king sarili

Pati ang lupa'y gumanti

Bato't bundok at puno man

Sumisigaw, sumisigawAt ngayon ko nakikita

Ang lahat ng kasalanan

Tinaboy sa ulan, init at kamunduhanTumakbo, lumayo sa lugar na 'to

Lalamunan ko'y tuyong-tuyo

Tumakbo, lumayo at magtago

Sa mata ng diyos

Mata ng diyosInalok ako ng isang ahas

Pula't matamis na mansanas

Pilit ko man, hindi makaiwas

Sa mata ng diyos

Enjoy the lyrics !!!